Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, uulanin pa rin dahil sa habagat

By Dona Dominguez-Cargullo August 04, 2017 - 06:42 AM

Maghahatid pa rin ng pag-ulan ang Habagat na pinalalakas ng bagyong Noru na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa PAGASA, ang Typhoon Noru ay huling namataan sa 1,379 kilometers northeast ng extreme northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 195 kilometers per hour.

Hinahatak ng nasabing bagyo ang habagat na magdudulot ng pag-ulan sa Metro Manila at sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite, Mindoro at Palawan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala, kaninang bago mag-alas 6:00 ng umaga, sinabi ng PAGASA na nakararanas na ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ilan ang mga bayan ng Cabangan, Castellejos, San Felipe at San Marcelino sa Zambales at ilang bahagi ng Bulacan.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Novaliches sa Quezon City.

Nag-abiso rin ang PAGASA na makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang Bataan, Pampanga at iba pang lugar sa Metro Manila.

 

 

 

 

 

TAGS: Pagasa, philippines, Radyo Inquirer, weather, Pagasa, philippines, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.