Peter Lim, natatakot na para sa kaniyang buhay

Ador Vincent Mayol, Inquirer Cebu

Aminado ang negosyanteng si Peter Lim na nangangamba na rin siya para sa kaniyang buhay.

Ayon kay Lim, mula nang maisampa ang kaso laban sa kaniya na may kinalaman sa pagkakasangkot umano niya sa kalakalan ng iligal na droga, nababahala na siya sa kaniyang kaligtasan.

Aniya, natatakot siya dahil baka paniwalaan ng mga tao ang mga pekeng alegasyon na ibinabato sa kaniya.

Gayunman, bagaman nababahala siya sa kung anong posibleng mangyari sa kaniya, nangako si Lim na hindi niya ito tatakbuhan at haharapin niya ang kaso laban sa kaniya.

Matatandaang una na siyang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa mga pinakamalalaking drug lord sa bansa.

Kamakailan naman ay isinaad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na si Lim ang supplier ng iligal na droga ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.

Read more...