DOJ, nakakita ng probable cause para kasuhan ang magkapatid na Parojinog sa korte

By Alvin Barcelona August 04, 2017 - 04:34 AM

Tuloy na ang pagsasampa ng Department of Justice (DOJ) ng kaso sa korte laban sa magkapatid na sina Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at kapatid nitong si Reynaldo Jr.

Ito ay makaraang makakita ang DOJ ng probable cause para kasuhan ang dalawa ng illegal possession of firearms and ammunition at illegal possession of dangerous drugs kasunod ng madugong raid ng Philippine National Police (PNP) sa bahay nito sa Ozamis City.

Nasawi sa naturang operasyon ang kanilang ama na si Mayor Reynaldo Parojinog Sr, misis nito at labing apat pang kapamilya at taga-suporta nito noong nakaraang araw ng Linggo.

Bukod dito, nakakita rin ang kagawaran ng basehan para kasuhan si Reynaldo Jr. ng illegal possession of explosives.

Ang dalawa ay nakaditine ngayon sa PNP Headquarters sa Camp Crame matapos na akusahan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Matatandaang naka-kumpiska ang raiding team sa bahay ng mga Parojinog sa San Roque Lawis, Ozamis City ng shabu, iba’t ibang baril kabilang ang M-16 rifle at at mga pampasabog tulad ng granada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.