Mga pulis sa likod ng Ozamiz raid, kinukuhanan na ng salaysay ng PNP-IAS

Sinimulan na ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang pagkuha ng salaysay sa mga testigo sa madugong operasyon sa bahay ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Ayon kay PNP-IAS Insp. Gen. Atty Alfegar Triambulo, na kinakapanayam na rin nila ngayon ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon sa mga Parojinog.

Hindi pa anya niya sigurado kung kelan matatapos ang ginagawa nilang moto propio investigation.

Gayunman, inatasan na niya ang regional director ng IAS Region 10 na magtakda ng timeline sa kanilang imbestigasyon lalo’t may inihain nang resolusyon sa Senado para imbestigahan ang Ozamiz raid

Ayon kay Triambulo kakailangin pa nila ng maraming araw sa imbestigasyon dahil sa dami ng mga nasawi at dahil tatlo ang unit ng PNP na kabilang sa operasyon na kailangang imbestigahan.

Read more...