Pamilya ng 3 nasawing sundalo sa bakbkan sa Marawi City nabigyan na ng tig-P1M na ayuda

By Chona Yu August 04, 2017 - 04:25 AM

Naibigay na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tig-P1 milyong pisong ayuda sa pamilya ng tatlong nasawing sundalo na nakipagbakbkan sa teroristang Maute Group sa Marawi City.

Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, isang negosyante na ayaw nang magpabanggit ng pangalan ang nangako kay Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng tig-P1 milyon ang bawat pamilya ng mga nasawing sundalo at pulis sa bakbakan sa Marawi.

Ayon pa kay Banaag, ibinigay ang pera noong isang araw sa tatlong pamilya sa Camp Aguinaldo.

Kahapon naman ay may limang pamilya naman ang tumanggap ng kaparehong halaga.

Sa pinakahuling tala na natanggap ng malakanyang nasa 116 na ang bilang ng mga sundalo at pulis na nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.