Mag-amang Binay, pinakakasuhan ng Ombudsman dahil sa maanomalyang Makati Science High School

By Alvin Barcelona, Mariel Cruz August 03, 2017 - 04:14 PM

Posibleng maharap sina dating Vice Pres. Jejomar Binay at anak na si dismissed Makati mayor Junjun Binay sa mga kasong graft at falsification of public documents dahil sa umano’y maanomalyang procurement sa konstruksyon ng Makati Science High School Building na nagkakahalaga ng P1.3 billion.

Sa isang pahayag, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na ipinag-utos na niya ang paghahain ng mga kasong kriminal laban sa mga Binay.

Sa dalawang magkahiwalay na resolusyon na aprubado noong August 1, pinakakasuhan ni Morales ang mag-amang Binay ng four counts ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at three counts ng Falsification of Public Documents.

Nag-ugat ang paghahain ng kaso laban kay Binay Sr. sa architectural design contract ng Makati Science Building
noong 2007 na nagkakahalaga ng P17.37 million sa kumpanyang Infiniti.

Sinabi din ng Ombudsman na ang mga construction contract na nagkakahalaga ng P1.33 billion na ibinigay sa Hilmarc’s Construction ay puno ng mga iregularidad.

Una nang naharap sa mga kasong multiple graft, malversation at falsification of public documents ang dalawang Binay sa Sandiganbayan dahil sa maanomalyang konstruksyon naman ng P2.2 billion na Makati car park building.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.