ERC Chairperson Jose Vicente Salazar, sinuspinde ng Malakanyang

Pinatawan ng suspensyon ng Malakanyang si Energy Regulatory Commission (ERC) chairman Jose Vicente Salazar dahil sa ‘insubordination’.

Inanunsyo ni Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag ang suspensyon kay Salazar sa isinagawang briefing sa Palasyo.

Ayon kay Banaag, ang apat na buwang suspensyon kay Salazar ay inilabas kahapon ng tanggapan ng Office of the Executive Secretary.

Walang tatanggapin na sweldo si Salazar sa kasagsagan ng suspensyon.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...