Nagtapos sa Mindanao State University sa Marawi, topnotcher sa Social Worker Licensure Examination
Sa kabila ng krisis ng lungsod, ikinagalak ng mga taga-Marawi City ang tagumpay ng pangunguna ng tatlong graduates ng Mindanao State University sa pinakahuling Social Worker Licensure Examination.
Si Paramisuli Aming ang topnotcher sa naturang board exam na isinagawa noong July 2017.
Nagtapos sa Mindanao State University sa Marawi City si Aming na umani ng 86% rating sa pagsusulit.
Kasama rin ni Aming na pasok sa Top 10 ang dalawa pang mula sa MSU-Marawi na sina Catherine Caulawon, at Elmer Villamucho Jr.
Si Caulawon ang Top 6 matapos makakuha ng markang 84.40%, habang si Villamucho naman ay nasa Top 7 sa 84.20%
Sa inilibas na listahan ng Social Worker Licensure Examination passers ng Professional Regulation Commission, mula sa 5,997 na kumuha ng pagsusulit, 3,951 ang mga nakapasa.
Isinagawa ang naturang board exam noong July sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang ang Manila, Cebu at Cagayan de Oro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.