Biyahe ng MRT nagka-aberya, mga pasahero 1 oras naghintay sa mga istasyon

By Dona Dominguez-Cargullo August 03, 2017 - 11:28 AM

Inquirer Photo | Dan Paurom

Nakaranas na naman ng aberya ang mga pasahero sa Metro Rail Transit.

Huwebes ng umaga, dalawang beses na nagka-aberya ang biyahe ng tren.

Sa abiso ng MRT-3, alas 7:49 ng umaga nang pababain ang mga pasahero sa Cubao station southbound.

Ito ay makaraang makaranas ng technical problem ang isa sa mga tren.

Alas 8:47 naman ng umaga mayroong tren na huminto sa pagitan ng Magallanes at Taft stations southbound.

Sa post sa social media ng mga pasahero ng MRT, maraming istasyon ang humaba ng husto ang pila dahil walang dumadaan na tren.

Sa Cubao station, umabot sa isang oras ang waiting time ng mga pasahero na patungo sa southbound bago makasakay ng tren.

 

 

 

 

 

TAGS: MRT, mrt3, train system, transportation, MRT, mrt3, train system, transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.