Rap legend Kidd Creole, arestado sa pagpatay sa isang homeless man sa New York

August 03, 2017 - 10:47 AM

Inaresto ang rap legend na si Kidd Creole, makaraang mapatay sa saksak ang isang homeless man sa New York.

Ang 57 anyos na rapper na ang tunay na pangalan ay Nathaniel Glover ay nasa ilalim na ngayon ng kostodiya ng pulisya matapos saksakin hanggang sa mapatay ang isang 55-anyos na homeless na lalaki.

Nakatanggap ng tawag sa 911 ang mga otoridad ang nang dumating sila sa lugar, isang lalaki ang nakita nilang nakabulagta na noong una ay inakala pa nilang nakainom lamang.

Nang lapitan ay naktiang tadtad ito ng saksak.

Isinugod pa sa Bellevue Hospital ang biktima pero idineklara ding patay.

Si Glover, na ngayon ay nagtatrabaho bilang security guard at handyman ay nakuhanan sa surveillance footage na siyang gumawa ng krimen.

Nagkaalitan lamang umano ang rapper at ang biktima na nauwi sa pananaksak.

Si Glover ay naging miyembro ng grupong Grandmaster Flash and the Furious Five – hip hop group na itinatag sa Bronx noong 1970s.

Naging tanyag ang grupo noong dekada 80 at kinilala bilang isa sa mga most influential hip hop acts.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Grandmaster Flash and the Furious Five, hip hop, Kidd Creole, Grandmaster Flash and the Furious Five, hip hop, Kidd Creole

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.