Isang preso sa Laguna, namatay sa loob ng detention cell

By Mark Gene Makalalad August 03, 2017 - 10:43 AM

Patay ang isang preso sa detention cell ng himpilan sa Laguna.

Nakilala ang presong si Jemer Monares Sayao, binata, 26 anyos, nakatira sa Brgy. Pooc sa Sta. Rosa, Laguna.

Ayon kay Supt. Joel Estaris, hepe ng Sta. Rosa Police, sugat daw na naimpeksyon ang ikinamatay ng biktima noong Hulyo 24.

Isinisisi naman ng mga kamag -anak ang kamatayan ni Sayao sa sobrang siksikan ng mga bilanggo na parang sardinas na sa loob ng selda.

Sinabi rin nila na maari rin daw sa sobrang siksikan sa loob ng kulungan kung kaya sa CR na diumano pinatutulog ang binata na naging sanhi ng paglala at pagka-impeksyon ng sugat nito.

Ayon naman kay Kapitan Avelino Caramay ng Brgy. Pooc, nanghihinayang siya sa sinapit ng constituent niya na si Sayao dahil bukod sa pagiging magandang lalaki nito ay tahimik at pala-kaibigan.

Posible rin daw na hindi kinaya ng binata ang makulong sa ganung lugar ayon sa kapitan.

Ang binata ay wala pang isang buwang nakakulong sa kaso ng ilegal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Jemer monares, laguna, Sta Rosa Police, Jemer monares, laguna, Sta Rosa Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.