D’yaryo sa Radyo: Hindi lang una, kundi tumpak na balita
Hindi lang basta balita, kundi tumpak na pagbabalita.
Ito ang maaasahan simula pa lamang sa unang bugso ng mga programa sa Radyo Inquirer simula alas kuwatro ng umaga.
Buwena-manong programa sa umaga ang D’yaro sa Radyo ni Ruel Perez mula alas kuwatro hanggang alas singko ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.
Magaan ang istilo ng pagbabalita at komentaryo ni Perez sa umaga, may kaunting pitik ngunit nananatiling naka-angkla sa mga mapanghahawakang datos ng balita.
Maliban sa pagiging anchor/host ng D’yaryo sa Radyo, si Perez ay isa rin sa mga reporters ng Radyo Inquirer. Siya ang sumasalo at naghahagilap ng mga unang putok na balita pagkatapos na pagkatapos ng kanyang board work sa istasyon.
Simulan ang inyong umaga ng tamang balita at impormasyon, makinig, panoorin at samahan si Ruel Perez sa D’yaryo sa Radyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.