Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang biyahe ng Pasig River Ferry ngayong araw, Huwebes, August 3.
Sa abiso ng MMDA, ito ay dahil sa nararanasang masamang panahon sa malaking bahagi ng Metro Manila.
Sinabi ng MMDA na tigil muna ang buong operasyon ng ferry dahil hindi ligtas na ito ay maglayag bunsod ng pabugso-bugsong pag-ulan at malakas na hangin.
Muli na lamang mag-aabiso ang MMDa kung magre-resume pa ang biyahe ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.