Panukalang batas sa muling paggamit ng ‘maiden name’ sa ligal na hiwalayan inihain sa Kamara

By Rhommel Balasbas August 03, 2017 - 04:22 AM

 

Inihain ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ang panukalang batas na magbibigay daan sa kababaihan upang muling gamitin ang kanilang mga ‘maiden names’ o apelyido sa pagkadalaga sa mga kaso ng legal separation, presumptive death, pag-abandona at dissolution of marriage.

Sa kanyang House Bill 6028 o Reversion to Maiden Name Act, bibigyan ang mga kababaihang gamiting muli ang kanilang maiden names ng hindi kinakailangan ng court order.

Ayon kay Arroyo, bagama’t hindi sapilitan o mandatory ang paggamit ng apelyido ng asawang lalaki, walang batas na pumapayag upang muling gamitin ng babae ang kanyang maiden surname.

Bibigyang daan naman ng panukalang batas ang Civil Registrar General kasama ang Department of Justice, Department of Foreign Affairs at ang Office of the Supreme Court Administrator sa pag-iisyu ng rules and regulations sa implementasyon ng nasabing batas.

Ilan sa mga kondisyon upang payagang ibalik ang maiden name ng isang babae ay:

– Kapag ang kanyang kasal ay opisyal nang idineklara na null at void ayon sa batas o matapos ang annulment
– Matapos ilabas ang isang judicial declaration of legal separation; kung sakaling walang nai-file na manifestation of reconciliation sa korte
– Kung ang babae ay mapapatunayang inabandona na ng kanyang asawa nang hindi bababa sa loob ng sampung taon
– Kung ang asawa ng babae ay hinihinalang pumanaw na base sa mga sirskumstansya at kondisyon ng Civil Code of the Philippines at ng Rules of Court

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.