Joma Sison, itinangging ininderso niya ang kandidatura ni Duterte sa 2016 Presidential Elections

duter joma“Hindi ko iniindorso ang kandidatura ni Mayor Rodrigo Duterte”.

Ito ang paglilinaw na ginawa ni Prof. Jose Maria Sison, founding chairman ng Communist Party of the Philippines at consultant ng National Democratic Front of the Philippines sa prosesong pangkapayapaan sa pamahalaan ng Pilipinas.

Sa kanyang Facebook timeline, inilagay ni Sison ang kanyang paglilinaw sa Duterte endorsement.

Ani Sison, ilang buwan na ang nakalipas nang siya ay bisitahin sa Utrecht ng mamamahayag na si Patmei Bello Ruivivar ng Davao City at tanungin kung ano ang tingin niya kay Duterte bilang isang presidential candidate.

Sinagot niya umano ito ng ganito, “He is highly qualified. He has integrity and a strong character and is determined to do good for the country”.

Ang naturang sagot ani Sison ay hindi isang endorsement na maituturing.
Bukod doon, paano niya aniya iiindorso ang kandidatura ni Duterte gayong hindi pa nakapagpapasya ang alkalde ng Davao City kung tatakbo nga ba ito o hindi sa panguluhang posisyon.

Si Sison ay nananatiling maimpluwensiya sa mga progresibong grupo sa Pilipinas sa kabila ng mahabang panahon ng pananatili sa the Netherlands kung saan siya naninirahan in exile.

Read more...