Limang grounds ang inilagay ng grupo ni Dante Jimenez, Founding Chairman ng VACC para ma-impeach si CJ Sereno.
Una rito, nilabag ni Sereno ang saligang batas matapos itong bumuo ng bagong Judiciary Decentralized Office at ang muling pagbubukas ng Regional Court Administration Office sa Western Visayas ng walang pahintulot ng Supreme Court En Banc.
Ikalawa, nilabag ni CJ Sereno ang Saligang Batas matapos nitong italaga bilang Staff Head II ang isang Atty. Solomon Lumba na nagtatrabaho na sa gobyerno.
Si Atty. Lumba ayon kay Jimenez ay propesor sa University of the Philippines noong panahong italaga ni Sereno na ipinagbabawal ng batas.
Ikatlo, labag din sa Konstitusyon ang pagtatalaga ni CJ Sereno matapos nitong italaga ang isang Atty. Brenda Jay Mendoza bilang chief ng Philippine Mediation Center na hindi man lamang idinaan sa Supreme Court enbanc.
Ikaapat, nilabag din daw ni CJ Sereno ang Saligang Batas matapos nitong bigyan ng travel allowance sa kanilang byahe sa ibang bansa ang sarili nitonh staff gamit ang pondo ng korte na hindi aprubado ng enbanc.
Ikalima, binetray din daw ni CJ Sereno ang tiwala ng publiko dahil sa inexcusable negligence matapos nitong upuan ang mga aplikasyon para sa mga bakanteng posisyon sa SC.
Sinabi ni Jimenez na marami na silang nakausap na mambabatas para i-endorso ang impeachment complaint at umaasa sila na mayroong mag eendorso dito.
Base sa proseso ng impeachment, kailangang may kongresista na mag-endorso nito bago dalhin sa tanggapan ng speaker saka ibaba sa Committee on Rules upang maikalendaryo para sa 1st Reading sa plenaryo bago ito i-refer sa Justice Committee.
Kapag naaprubahan ng komite, muli itong ibabalik sa plenaryo para sa deliberasyon at kailangan ng 1/3 na boto mula sa mga mambabatas para mai-akyat sa Senado.
Narito ang buong report ni Erwin Aguilon: