Lalaking nagpanggap na compliance officer, kinasuhan ng DOLE
Sinampahan na ng reklamo ng Department of Labor and Employment ang isang lalaking nagpanggap bilang labor laws compliance officer (LLCO) sa Bulacan.
Kinasuhan ng robbery extortion at usurpation of authority si Jorge Dimayuga, residente ng Valenzuela.
Si Dimayuga ay inaresto sa entrapment operation na isinagawa ng Philippine National Police sa Meycauayan, Bulacan.
Ayon kay DOLE Regional Director Ana Dione, nagpanggap si Dimayuga bilang empleyado ng kagawaran, at humingi ng pera sa Ben Ben Trading para hindi na magsagawa ng joint assessment ang DOLE sa kumpanya.
Iginiit naman ng DOLE na hindi otorisado si Dimayuga ng inspeksyon at hindi konektado ang kagawaran sa suspek.
Samantala, nagbabala naman ang DOLE sa publiko laban sa mga nagpapanggap na labor inspector, at iulat ang mga insidente gaya nito sa hotline na 1349.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.