Customs Commissioner Faeldon gustong magbitiw dahil sa kontrobersiya sa BOC
Aminado si Customs Commissioner Nicanor Faeldon na gusto na niyang magbitiw sa pwesto sa gitna ng kontrobersya ng kawanihan.
Sa isang pulong-balitaan, ito ang isiniwalat ni Faeldon.
Sa kabila nito, nanindigan siya sa pagiging commissioner ng Bureau of Customs para
ipagpapatuloy ang paglilingkod sa bansa.
Ipinahayag ni Faeldon na nagtitiwala pa rin sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng paglusot umano ng 6.4 billion peso shabu sa kawanihan noong Mayo.
Ilang mambabatas naman ang nanawagan kay Faeldon na magbitiw sa pwesto dahil sa naturang alegasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.