“Hindi ako magbibitiw, walang kasunduan,” – De Lima
Hindi magbibitiw sa puwesto si Justice Secretary Leila De Lima.
Mismong ang kalihim ang nagsabi nito nang makausap ng media sa kanyang opisina ngayong umaga.
Tumanggi din ang kalihim na maglabas ng formal statement kasunod ng pakikipagpulong ng Malacañan sa kinatawan ng Iglesia ni Cristo.Ang nasabing pulong ang naging susi para itigil ang kilos protesta ng mga miyembro ng INC kahapon sa EDSA Shaw Blvd.
Isa sa mga kahilingan ng INC na nadinig paulit-ulit sa limang araw na kilos-protesta ay ang pagbibitiw ni De Lima dahil umano sa pakikialam nito sa panloob na usapin ng nasabing religious group.
Binigyang diin din ng kalihim na walang kasunduan sa pagitan ng administrasyon ni Pangulong Aquino at ng INC.
Ayon kay De Lima, mananatili siya sa pwesto, “… I’m back at work. There’s a lot of work to do after the holidays,” ani De Lima.
Naglunsad ng protesta ang mga miyembro ng INC noong huwebes matapos maghain ng kaso ang itiniwalag nilang ministro na si Isaias Samson, Jr. laban sa Sanggunian ng Iglesia ni Cristo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.