Isa pang miyembro ng pamilya Parojinog, pumanaw na

Nasawi ang isa pang Parojinog mula sa raid ng pulisya sa Ozamiz City noong Linggo kung saan napatay ang mayor na si Reynaldo Parojinog Sr.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, pumanaw na si Daryl Parojinog, pamangkin ng alkalde na nasugatan sa naturang raid.

Kinumpirma rin ito ni Northern Mindanao police spokesperson Supt. Lemuel Gonda.

Dahil dito, umakyat na sa labing-anim na katao ang nasawi sa raid sa compound ng Parojinog sa Ozamiz City.

Read more...