29 ang patay, higit 60 sugatan sa pag-atake sa mosque sa Afghanistan

By Rohanisa Abbas August 02, 2017 - 11:17 AM

AP Photo

Hindi bababa sa dalawampu’t siyam na katao ang patay habang animnapu’t tatlo ang sugatan sa pag-atake sa isang Shiite mosque sa Herat City sa Afghanistan.

Ayon kay Herat police spokesman Abdul Ahad Walizada, dalawang terorista ang sangkot sa insidente, kung saan ang isa ay suicide bomber, habang ang isa ay armado ng rifle.

Pareho ring nasawi ang dalawang suspek sa pag-atake sa Jawadya Mosque.

Sa ngayon, wala pang grupong umaako sa insidente.

Ang pagpapasabog sa Jawadya Mosque ay naganap isang araw makalipas ang pag-atake ng ISIS sa Iraqi Embassy sa Kabul, Afghanistan.

TAGS: afghanistan, ISIS, jawadya mosque, Terror attack, afghanistan, ISIS, jawadya mosque, Terror attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.