3 lugar sa Mindanao, may banta ng terorismo

By Rohanisa Abbas August 02, 2017 - 10:34 AM

Nasa ilalim ng banta ng pag-atake ng mga terorista ang tatlong lugar sa Mindanao, ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto.

Aniya, ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang impormasyon sa pagpupulong nila sa Malacañang kasama ang ilan pang mambabatas.

Gayunman, hindi na tinukoy ni Sotto ang mga lugar na kasama sa panibagong terror plot na nadiskubre.

Aniya, hihintayin na lamang niya na manggaling mismo kay Duterte ang pahayag ukol dito.

Ani Sotto, sa ngayon ay hindi pa naman nagpapatulong ang pangulo sa Senado at Kamara sa suliranin sa terorismo.

Samantala, nais ni Duterte ng 20,000 karagdagang tauhan para sa Armed Forces of the Philippines, ayon kay Sotto.

TAGS: banta ng terorismo, Mindanao, Pangulong Duterte, Vicente Sotto III, banta ng terorismo, Mindanao, Pangulong Duterte, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.