34 ang patay sa aksidente sa Madagascar

By Dona Dominguez-Cargullo August 02, 2017 - 08:22 AM

Patay ang 34 na katao na sakay ng isang bus, makaraan itong mahulog sa bangin sa Central Madagascar.

Ayon sa mga otoridad, 12 sa mga biktima ang dead on the spot makaraang magtamo ng matinding sunog sa kanilang katawan.

Habang ang 22 iba pa ay nasawi sa mga pagamutan.

Nahulog umano sa bangin na may lalim na 20 feet ang sinasakyang bus ng mga biktima habang binabaybay nito ang matarik na bahagi ng kalsada sa Antananarivo.

Matapos na ilang ulit bumaligtad ang bus ay sumiklab ang apoy at tuluyan itong natupok.

Galing sa central town na Soavinandriana ang mga sakay ng bus at patungo sa Mahajanga City para dumalo sa church meeting nang maganap ang aksidente.

Noong Enero, 47 ang nasawi kablang ang 10 bata at bagong kasal makaraang maaksidente ang sinasakkyan nilang trak.

TAGS: 34 patay, aksidente, Central Madagascar, Madagascar, nahulog sa bangin, 34 patay, aksidente, Central Madagascar, Madagascar, nahulog sa bangin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.