Mahinang suplay ng tubig sa Metro Manila nararanasan na, water interruption posibleng ipatupad sa susunod na linggo

water rationing
Inquirer File Photo

Mahigit tatlong daang libong consumers ng Manila Water at Maynilad ang apektado na ngayon ng pagbabawas ng pressure ng tubig ng dalawang water concessionaires dahil sa mababang antas ng tubig sa Angat dam.

Ayon sa Maynilad, sa ngayon apektado na ng mahinang suplay ng tubig ang ilang lugar sa Caloocan, Quezon City, Paranaque, Cavite at Valenzuela.

Sa datos ng Maynilad aabot sa 9% o 125,000 na mga kabahayan ang apektado ng ‘low water pressure’. Ang nasabing mga lugar din ang maaapektuuhan sakaling humantong sa pagpapatupad ng water interruption ang nararanasang kakulangan sa suplay ng tubig.

Sinabi naman ng Manila Water na nasa 18% o 230,000 households ang nakararanas ngayon ng mahinang suplay ng tubig, at pwede makaranas ng water interruption.

Sa pagtaya ng dalawang water concessionaires, posibleng sa susunod na linggo ay magsimula silang magpatupad ng hindi lalagpas sa dose oras na wate rinterruption kada araw kapag hindi pa rin nakaranas ng mga pag-ulan na makapagdaragdag ng tubig sa Angat dam.

Una nang sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na ibinaba ang water allocation sa Metro Manila dahil sa mababang water level sa nasabing dam. Mula sa dating 41 cubic meter per second ay ginawa na lamang 38 cubic meter per second ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila.

Inaasahang bababa pa sa mga susunod na buwan ang alokasyon ng tubig dahil sa inaasahan mas lalo pang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat dam.

Read more...