Dadalo si Tillerson sa pagpupulong ng mga diplomats sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na gaganapin dito sa Maynila.
Kabilang sa mga tatalakayin ni Tillerson dito ay ang denuclearization ng Korean Peninsula, maritime security at counterterrorism.
Tutungo naman si Tillerson sa Thailand para magbigay pugay kay yumaong King Bhumibol Adulyadej, at para na rin pag-usapan ang relasyon ng US sa mga opisyal sa naturang bansa.
Usapin sa bilateral relations din ang magiging pakay ni Tillerson sa kaniya namang pagbisita sa Malaysia.
Ayon pa sa pahayag ng State Department, pagtitibayin ng mga biyahe ni Tillerson ang pangako ng administrasyon na mas pagpapalawig at pagpapaganda ng mga “economic and seucrity interests” ng US sa Asia-Pacific region.