Tillerson, pupunta sa Pilipinas, Malaysia at Thailand
Kinumpirma ng US State Department na bibyahe si US Secretary of State Rex Tillerson patungo sa Pilipinas, Thailand at Malaysia mula August 5 hanggang 9.
Dadalo si Tillerson sa pagpupulong ng mga diplomats sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na gaganapin dito sa Maynila.
Kabilang sa mga tatalakayin ni Tillerson dito ay ang denuclearization ng Korean Peninsula, maritime security at counterterrorism.
Tutungo naman si Tillerson sa Thailand para magbigay pugay kay yumaong King Bhumibol Adulyadej, at para na rin pag-usapan ang relasyon ng US sa mga opisyal sa naturang bansa.
Usapin sa bilateral relations din ang magiging pakay ni Tillerson sa kaniya namang pagbisita sa Malaysia.
Ayon pa sa pahayag ng State Department, pagtitibayin ng mga biyahe ni Tillerson ang pangako ng administrasyon na mas pagpapalawig at pagpapaganda ng mga “economic and seucrity interests” ng US sa Asia-Pacific region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.