Roxas Boulevard isasara para sa grand parade ng ASEAN anniversary

By Kabie Aenlle August 02, 2017 - 04:25 AM

 

Maaga pa lang ay naglabas na ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa mga motorista na isasara sa trapiko ang Roxas Boulevard sa August 8.

Ito ay para sa 50th anniversary ng Association of Southeast Asian Nations na gaganapin dito sa bansa.

Bukod dito, magpapatupad rin ng truck ban ang MMDA sa nasabing kalsada.

Ayon pa sa MMDA, isasara rin ang southbound ng Roxas Boulevard mula sa P. Burgos hanggang Buendia, mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi.

Tanging mga delagado at foreign ministers lang na bansa para sa ASEAN meetings ang maaring dumaan sa mga naturang kalsada.

Dahil dito, hinihikayat ng MMDA ang mga motorista na humanap at gumamit ng mga alternatibong ruta, habang ang mga truck nama ay pinapayuhang kumanan sa EDSA at saka kumaliwa sa South Super Highway patungo sa Port Area.

Sa August 8 isasagawa ang grand parade at landmark lighting ng ASEAN lantern na hudyat ng pagtatapos ng mga pagpupulong ng mga delegado na magsisimula na ngayong araw.

Sisimulan ang parada ng alas-3:00 ng hapon na sasabayan ng blowing of horn sa Manila Bay at iba pang piling pantalan.

Magiging bukas naman sa publiko na nais manood ang grand parade mula sa Luneta hanggang sa CPP complex.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.