Faeldon, hindi sisibakin ni Duterte

 

Inquirer file photo

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Sa isang statement na inilabas ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, sinabi nito na patuloy ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Faeldon.

Sinabihan din aniya ng pangulo ang BOC Commissioner na magpatuloy lamang sa pagsisilbi sa bayan.

Nitong Martes, ipinatawag ni Pangulong Duterte sina Faeldon at si Dominguez sa Malacañang matapos ang pagdinig ng House Committee on Public Order and Illegal Drugs.

Iniimbestigahan ng komite ang paglusot umano ng nasa P6.4 bilyong pisong halaga ng illegal drugs sa kustodiya ng BOC noong nakaraang Mayo.

Dahil sa insidente, ilang mambabatas ang nanawagan sa pangulo na sibakin na sa puwesto si Faeldon.

Read more...