Suhulan sa Customs Bilyong Piso ang halaga ayon kay Lacson

By Ruel Perez August 01, 2017 - 03:49 PM

Inquirer file photo

Kumbinsido si Sen Panfilo Ping Lacson na laganap pa rin ang korapsyon sa Bureau of Customs sa pamumuno ni Commissioner Nicanor Faeldon.

Patunay umano dito ang nakalusot na umaabot sa P6.4 Billion  na halaga ng shabu mula sa bansang China.

Paliwanag ni Lacson, kung tutuusin sa payola pa lamang ay kumikita na ng isang tiwaling customs official ng hanggang sa P30,000 bawat araw.

Kung kukwentahin umano ito sa sampung average na bilang ng container vans na pumapasok araw-araw sa aduana, papatak ng P270 Million ang umiikot na payola sa ahensiya kada araw.

Lalabas sa loob ng isang taon o 365 days, umaabot ng P98.55 Billionna agad ang naibubulsa ng mga tiwali sa BOC sa payola pa lamang na hindi namn pumapasok sa kaban ng gobyerno.

Malaking halaga na umano ito para maibsan ang budget deficit ng bansa na umaabot sa P147 Billion ngayong taon 2017.

Giit ni Lacson, common knowledge at hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nawawala ang Friday 3 o’clock habit kung saan hindi ka umano makakapagpa schedule sa sinumang opisyal ng BOC dahil yan ang panahon na pinaghahatian nila ang mga koleksyon sa mga iligal na gawain sa aduana.

TAGS: burau of customs, friday habit, ping lacson, burau of customs, friday habit, ping lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.