8th death anniversary ni Cory ginunita ngayong araw

Inquirer photo

Ginunita ng pamilya Aquino ang ika-walong taong ani­bersaryo ng kamatayan ni dating Pangulong Cory Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Kaninang tanghali, dumating ang Pamilya Aquino sa pangunguna ni dating Pangulong Noynoy Aquino na nakasuot ng dilaw na polo sa puntod ng kanilang mga magulang.

Namataan din ang bunsong kapatid ng mga Aquino na si Kris kasama ang kanyang mga anak na si Bimby at Josh.

Tulad ng nakagawian­, nag-alay ng panalangin at bulaklak ang magkakapatid sa puntod ng kanilang mga ma­gulang.

Nagpasalamat naman ang panganay na anak ni Cory na si Balsy Cruz sa mga masugid na taga suporta ng pamilya Aquino mula pa sa umpisa.

Nag-alay naman ng bulaklak para sa yumaong dating pangulo sina DPWH Sec. Mark Villar at dating Manila Mayor Alfredo Lim.

Habang wala namang alay na bulaklak na nanggaling mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na una nang nagpadala ng bulaklak noong death anniversary ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Read more...