Senado namigay ng laruan sa mga batang bakwit ng Marawi City
Bilang bahagi ng psycho-social treatment ng mga batang bakwit sa Marawi City ay binigyan ng Senado ang mga ito ng laruan, libro, at iba pang recreational materials.
Umaabot sa 109 na mga kahon na naglalaman ng laruan at libro ang ibinigay ng Public Relations Officers of the Senators (PROS) sa Philippine Red Cross, bilang tulong sa mga batang bakwit.
Tinawag na “Laruan Para sa mga Batang Bakwit” ang proyektong inilunsad ng PROS na isang organisasyon ng media at mga public relations officers sa Senado.
Ayon kay PROS President Michael Caber, sa kanilang mumunting paraan ay naisipan nilang tulungan ang mga bata para kahit paano ay muli silang magkaroon ng pag-asa.
Nagpasalamat naman si Caber sa mga empleyado ng Senado, maging ang 24 na mga senador at kaniang mga pamilya at kaibigan na nakibahagi sa donation campaign.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.