PNoy, Abad at iba pa, iniimbestigahan ng Ombudsman kaugnay sa DAP controversy
Iniimbestigahan na ng Office of the Ombudsman sina Pangulong Benigno Aquino III, Budget Secretary Butch Abad at iba pa, kaugnay sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program o DAP.
Sa pagharap ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa harap ng House Appropriations Committee, kinumpirma nito na may fact finding investigation kina PNoy, Abad at iba pang respondent sa isyu ng DAP.
Sinabi ni Morales na ang report ng fact finding team ay kasalukuyang under evaluation, at sakaling maaprubahan ay susundan naman ng preliminary investigation.
Pero inihayag ni Morales na kakailanganin ng Ombudsman ng sapat na panahon para pag-aralan ang report ng pagsisiyasat sa DAP issue.Hindi rin daw isasapubliko ng Ombudsman ang report, dahil nila ito kalakaran.
Matatandaang ibinuko ni detained Senator Jinggoy Estrada ang DAP na ipinamudmod umano sa mga mambabatas.
Inirekomenda umano ni Abad ang paglalabas ng pondo sa ilalim ng DAP, at otorisado ito ni Pangulong Aquino.
Ini-akyat ang usapin sa Korte Suprema na kinalauna’y idineklara ang ilang bahagi ng DAP bilang unconstitutional.
Si Ombudsman Morales ay nasa Kamara para sa pagdinig sa panukalang 1.78 Billion pesos na budget ng kagawaran sa taong 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.