“Paraan para ma-achieve ang HAPPINESS, itinuturo at pinaka-popular na kurso sa Harvard University” – PROBLEMA LANG YAN ni Brenda Domato

May nag-share sa timeline ng aking personal Facebook account ng isang artikulo tungkol sa kung paano ma-aachieve ang totoong Happiness.

Hindi ko alam na may ganito palang kurso sa Harvard University na itinuturo ng isang American-Israeli Professor na si Al Ben Shahar.

Katunayan, maaari nang ilagay sa history book ng Harvard ang nasabing kurso dahil ito daw kasi ang pinaka-popular na kurso sa nasabing unibersidad.
Bawat semester, mahigit isang libong estudyante ang na-a-attrack na mag-enrol sa kursong ito na tinawag nilang positive psychology.

Tinuturo dito kung paano mag-pokus sa happiness, self esteem at motivation.

Ang tawag na ngayon sa 35 year old na si Prof. Shahar ay “the happiness Guru” na author din ng maraming libro.

Sabi kasi ng iba, parang napaka-hirap daw ma-achieve ang happiness pero depende na rin sa disposisyon o kaya naman ay sa pananaw natin sa buhay.

Narito ang ilang mga practical tips mula kay Prof. Shahar para ma-achieve ang HAPPINESS.

Thank god for everything. Sa halip daw kasing mag-pokus sa negative, i-sentro ang atensyon sa magagandang bagay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos at magpasalamat.

Physical activity. Nabanggit ko na ito sa mga nagdaang tips sa aking program, dahil nagpapa-ganda daw ng mood ang pagpapawis o exercise kahit 30 minutes a day lang.

Breakfast. Marami sa atin na nilalaktawan ang almusal na itinuturing na pinaka-mahalagang meal-of-the-day dahil nagbibigay ito ng energy at nakakatulong para mag-pokus tayo sa ating mga aktibidad sa bawat araw.

Assertive. Kung ano ang gusto mong gawin dapat daw ay gawin at kung ano man ang gusto mong sabihin dapat ay sabihin. Ang pananahimik daw kasi ay nagdudulot ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa.

Spend money on experiences. May pag-aaral na 75% o mas nakararaming tao ay mas maligaya kung gumagastos sila sa travel o pagbiyahe, pag-aaral ng bagong kurso o study at iba pa na maaaring makadagdag ng kaalaman kumpara sa mga taong inilalaan ang pera sa mga gamit kasama na ang gadgets o anumang materyal na luho.

Face your challenges. Madalas sa madalas, may agam-agam tayo sa ating kakayahan kaya lagi tayong nag-aatubili na gawin ang isang bagay. Pero the more daw na pino-postpone ito, the more na lumilikha ng tensyon sa ating isipan.

Put nice memories everywhere. Di ba’t mahilig tayong mag-post ng mga picture ng ating mga mahal sa buhay, mga biyahe o anumang magagandang karanasan. Idagdag pa diyan ang magagandang quotations na sa mga panahon ngayon ay sa FB na lang natin nakikita. Pwede mo itong iprint at ilagay sa iyong personal board. Sa ref, o kaya sa kuwarto, sa iyong desktop, at maging sa opisina.

Always greet and be nice to other people. Self-explanatory. Yung pag-smile lang daw, kilala mo man o hindi ang nakakasalubong ay nagpapabago na ng mood ng tao.

Wear nice shoes. Believe it or not, kapag hindi tayo komportable sa suot na sapatos at kung nagdudulot ito ng sakit ay may epekto sa ating “mood.”

Always keep your posture straight while walking. May iba’t-ibang style ang paglalakad ng tao na may epekto pala sa kanyang mood. Para in good mood daw lagi, maglakad ng taas noo, ika nga. Kailangan daw straight ang katawan at medyo nakaliyad ang dibdib.

Listen to music. Isang pampa-happy ang musika lalo na kung sasabayan ng pagkanta.

Watch what you eat. Huwag na huwag daw mag-skip ng meal at dapat ay kumakain kada tatlo at apat na oras. Pero tiyakin na healthy ang kinakain at umiwas sa sugar at white flour.

Sa pang-huli sa tip mula kay Prof. Shahar ay ang pag-aalaga sa sarili dahil “we feel good, if we look good” at higit sa lahat, ang pananalig sa Diyos dahil sa kanya ay walang imposible.

Sa pagbabasa lamang ng mga tips ni Prof. Shahar, hindi ko alam kung pareho tayo ng naramdaman, yung nakaka-feel good kaagad. Kung ganito ang inyong nararamdaman, ibig sabihin lamang na tumatalab kaagad.

Read more...