Seaman, nagtangkang magpakamatay sa NAIA

NAIA-file-photo-300x225Inoobserbahan sa ospital ang isang seaman matapos umanong magtangka magpakamatay sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) matapos hindi payagan na makasakay sa eroplano.

Ayon sa Media Affairs Office ng Manila Internationa Airport Authority (MIAA), ginagamot sa Pasay General Hospital ang 25 taong gulang na seaman ay nakilalang si Samuel Ambato.

Nagtamo ng bali sa paa at binti si Ambato at sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan matapos tumalon mula sa 3rd floor ng departure area sa NAIA Terminal 3 sa bahagi ng arrival bus station area.

Inaalam pa ng mga doktor sa Pasay General Hospital kung nasa maayos na pag-iisip ang nasabing seaman dahil ayon sa mga kasamang pasahero nito, bigla umanong tatawa at bigla ring iiyak si Ambado.

Ang nasabing obserbasyon sa ikinilos ng seaman ang dahilan kung bakit sya pinababa ng eroplano.

Patungo sana sa Davao si Ambato sakay ng Air Asia pero pinababa siya dahil na rin sa kaduda-duda kundisyon ng kanyang pag iisip.

Read more...