3 mangingisda na nawawala sa Misamis Occidental, patuloy na hinahanap ng PCG

PCG PHOTO

Nagpapatuloy ang pag-galugad ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Plaridel at Oroquetta, sa Misamis Occidental matapos mawala ang tatlong mangingisda sa naturang bisinidad.

Kabilang sa mga pinaghahanap ng search and rescue team ay ang mga mangingisdang sina Arnie Pasignajen, 41, Russel Embalsado, 29 at Boboy Durian, 30.

Sa ulat ng Coast Guard Iligan, sakay ng motorbanca na ‘Batuzai’ ang tatlong mangingisda.

Nagawa pa umanong tumawag ni Pasignajen sa asawa nito upang ipaalam na nakaranas ng engine problem ang kanilang motorbanca at inanod na sila ng malalakas na alon.

Inalerto na rin ng PCG ang mga mangingisda sa mga kalapit na lugar sakaling makita ang motorbanca na Batuzai, ay ipagbigay alam agad sa pinakamalapit na Coast Guard station.

Read more...