WATCH: 2 patay sa buy bust operation sa Pandacan, Maynila

By Cyrille Cupino August 01, 2017 - 07:36 AM

Patay ang dalawang drug suspek matapos umanong manlaban sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Beata St., Brgy. 839, Pandacan, Maynila.

Kinilala ang mga nasawi na sina Reynaldo Dela Cruz at isa na nakilala lamang sa alyas na ‘Ayi’.

Ayon kay Police Sr. Insp. Val Valencia, team leader ng Pandacan Police Drug Enforcement Unit, ikinasa nila ang buy-bust laban kay Dela Cruz na nasa watchlist ng kanilang istasyon.

Dati na rin umanong sumuko sa Oplan Tokhang si Dela Cruz, pero nagpatuloy pa rin sa pagbebenta ng droga.

Nang magkakaabutan na sana ng limangdaang pisong halaga ng droga, nakahalata umano ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksyon dahilan para paputukan ng mga ito ang mga pulis.

Napilitan namang gumanti ang mga pulis at napatay on-the-spot ang mga suspect.

Na-rekober mula sa mga suspek ang dalawang .38 caliber na revolver at hindi pa malamang halaga ng hinihinalang shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.