Miyembro ng Maute Group na nakakalaban ng militar, nasa 40 na lang

By Kabie Aenlle August 01, 2017 - 04:26 AM

 

Bumaba na lang sa 30 hanggang 40 ang bilang ng mga miyembro ng Maute Group na nakaka-engkwentro pa rin ng militar sa Marawi City.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, bagaman nasa ganitong bilang na lang ang kalaban, pawang malalakas na terorista naman ang mga naiwan.

Sa katunayan aniya ay isang sundalo pa ang nasawi at siyam ang nasugatan tatlong araw na ang nakalipas.

Dahil dito, mas maingat ang mga sundalo sa pakikipagbakbakan.

Patuloy naman ang clearing operations na isinasagawa ng militar sa mga lugar na sinakop ng Maute Group.

Masinsin nilang iniinspeksyon bawat bahay, gusali at mga silid upang matiyak na cleared na ang mga ito.

Aminado naman si Lorenzana na ang pangamba ngayon ng mga sundalo dahil kumaunti na ang mga terorista, ay gamitin nila ang kanilang mga bihag para magbitbit ng mga bomba laban sa kanila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.