Mga kumpanya ng langis magpapatupad ng price increase bukas
May panibagong dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga oil companies bukas, Agosto 1.
Magkakasunod ang price advisory na inilabas ng Petron, Shell, Phoenix Petroleum, Flying V, Caltex, PTT at Seaoil kaugnay sa price increase.
Ang Flying V ay magsisimula ng price increase mamayang 12:01 ng hatinggabi samantalang alas-sais naman ng umaga ang iba pang oil companies.
Pare-pareho silang magdaragdag ng P0.50 sa bawat litro sa presyo ng gasolina, P0.35 sa diesel at P0.40 naman sa kerosene o gaas.
Ang nasabing price hike ay base na rin sa pag-galaw ng presyo ng produktong petrolyo sa world market.
Noong nakaraang Martes ay nagpatupad rin ng dagdag presyo ang mga kumpanya ng langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.