40 arestado sa illegal drug operation ng PNP sa Zapote

By Mark Makalalad July 31, 2017 - 12:48 PM

Nakaranas ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko ang mga motorista at naperwisyo ang maraming pasahero sa bahagi ng Alabang-Zapote.

Base sa monitoring ng Radyo Inquirer, isinara ang bahagi ng Alabang-Zapote sa bahagi ng Las Piñas.

Mayroon kasing SWAT at pulis na nakakalat sa may lugar ng St. Dominic hanggang sa Jollibee Las Piñas.

Ayon pa sa post sa social media ng ilang netizens, may mga hinihinala umanong miyembro ng Maute sa lugar dahilan para maghigpit ng seguridad doon.

Nagreklamo din ang mga pasahero dahil wala umano silang masakyan na jeep sa Aguinaldo Highway bunsod ng operasyon.

Sa impormasyon naman na nakuha ng Radyo Inquirer, umabot na sa 40 ang nadakip sa nasabing operasyon ng Cavite police at PNP-CIDG.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: alabang zapote road, anti illegal drugs operation, cavite, Las Piñas City, Radyo Inquirer, alabang zapote road, anti illegal drugs operation, cavite, Las Piñas City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.