Bayan ng Pasuquin sa Ilocos Norte, isinailalim sa state of calamity dahil sa bagyong Huaning

Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Pasuquin sa Ilocos Norte dahil sa epekto ng Tropical Storm Huaning na mayroong international name na Haitang.

Kahapon isinagawa ang emergency session ng sangguniang pambayan para i-assess ang lawak ng pinsala ng bagyo.

Ayon sa lokal na pamahalaan, anim na porsyento ng coastal villages sa Pasuquin ang naapektuhan ng storm surge dulot ng malakas na hangin na dala ng bagyong Huaning.

Nasa 118 bangka ang nasira at labingpitong pamilya ang nasira ang tahanan sa Barangay Davila.

Minabuti ng pamahalaang lokal na ideklara na ang state of calamity upang magamit ang calamity fund at matulungan ang mga naapektuhang residente.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...