Pagkatapos ng mga Parojinog, marami pang susunod ayon kay Dela Rosa

By Dona Dominguez-Cargullo July 31, 2017 - 11:22 AM

FB Photo | PIA Misamis Occidental

Matapos ang pagsalakay na ikinasawi ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., at 14 na iba pa, sinabi ni Philippine National Police Chief, Director General Ronald dela Rosa na marami pang susunod.

Ayon kay Dela Rosa, ‘nationwide scale’ ang mga susunod na operasyon na isasagawa ng PNP kasabay ng babala sa mga ‘narco-politicians’ na sumuko na lamang.

Sinabi ni Dela Rosa na ang nangyari sa pamilya Parojinog ay dapat na magsilbing babala sa mga sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga na ang PNP ay walang sinasanto pagdating sa law enforcement.

Samantala, ipinagtanggol ni Dela Rosa ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon sa mga Parojinog.

Aniya, hindi intensyon ng mga pulis na patayin ang mga target ng raid.

Patunay aniya dito ang pagkakadakip sa magkapatid na sina Nova Princess Parojinog – Eschavez at Reynaldo Parojinog Jr. matapos na hindi masawi sa naganap na raid.

 

 

 

 

 

 

TAGS: drug raid, drug war, parojinog, PNP, Radyo Inquirer, drug raid, drug war, parojinog, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.