Electrician, pinagbabaril sa harap ng kanyang pamilya sa Makati City

By Cyrille Cupino July 31, 2017 - 08:09 AM

Kuha ni Cyrille cupino

Patay ang isang electrician matapos tambangan sa loob ng kanyang bahay sa kanto ng Kalayaan at Olympia St., Brgy. Olympia, Makati City.

Kinilala ang biktima na si Salvarey Castillo, 29 anyos, na pinagbabaril sa harapan mismo ng kanyang asawa’t mga anak.

Kwento ng kaibigan ng biktima, kasama pa niya sa inuman si Castillo nang katukin sila ng suspek.

Nagulat na lamang umano siya nang biglang bumulagta ang kanyang kaibigan matapos pagbabarilin ng suspek na naka-suot ng bull cap.

Matapos ang pamamaril, hinabol pa umano ng taumbayan ang salarin na tumakbo papunta sa kanyang getaway vehicle na motorsiklo.

Pinaputukan pa ng suspek ang mga humabol, pero maswerte namang walang ibang tinamaan.

Dinala pa sa ospital ang biktima, pero idineklara ring dead-on-arrival.

Ayon sa kaibigan ng biktima, hindi gumagamit o nagtutulak ng droga si Castillo, at posibleng napagkamalan lamang.

Nakuha sa crime scene ang limang basyo ng .9mm.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Makati City Police sa nasabing insidente ng pamamaril.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: makati city, metro news, Radyo Inquirer, Shooting Incident, makati city, metro news, Radyo Inquirer, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.