23 peacekeeping troops ng Africa at isang sundalo ng Somalia, patay sa pananambang
Nasawi sa pananambang ang 23 African Union peacekeeping troops at isang Somalian soldier ang nasawi matapos tambangan ng teroristang grupo na al-Ahabaab.
Naganap ang pag-atake sa Bulamareer District sa Lower Shabelle Region sa Somalia.
Kinumpirma ni Ali Nur, deputy governor ng Lower Shabelle, ang pagkasawi ng 23 miyembro ng African Union Mission (AMISOM) at ng isang Somali soldier matapos silang atakihin ng al-Qaeda linked fighters.
Ine-eskortan ng tropa ang mga suplay nang sila ay tambangan.
Matapos ang pag-atake, naglabas ng pahayag ang al-Shabaab at sinabing 39 na tropa ng AMISOM ang kanilang napatay.
Ang African Union ay mayroong 22,000 strong force sa Somalia na nakikipagbakbakab sa al-Shabaab.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.