Halos 1 kilo ng shabu, nasabat sa Parojinog raid

By Kabie Aenlle July 31, 2017 - 03:38 AM

 

Twitter: John Roson/Bandera

Mga hindi lisensyadong armas ang pakay ng paghahalughog ng mga pulis sa bahay ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, ngunit nakasabat rin ang mga otoridad ng hindi bababa sa isang kilo ng shabu.

Ayon kay Chief Insp. Jovie Espenido na hepe ng Ozamiz City police, kalahating kilo ng iligal na droga ang narekober ng mga otoridad sa mismong tahanan ng alkalde na nasawi sa naturang raid.

Natagpuan naman ang isa pang kalahating kilo ng iligal na droga at ilang drug paraphernalia sa bahay naman ni Vice Mayor Nove Princess Parojinog-Echavez.

Bukod sa mga ito, nakuha rin ng mga pulis ang isang bag na naglalaman ng bultu-bultong tig-P500 at isang papel na pinaniniwalaang listahan ng mga transaksyon.

Samantala, mariin namang itinanggi ng bise alkalde na pawang drug money ang natagpuan sa kaniyang kwarto.

Iginiit rin niya na pawang itinanim lamang ang mga drogang nasamsam mula sa kaniyang tahanan, at inakusahan ang pulisya na inihinto ang recording ng CCTV upang hindi ito makita.

Matapos naman ang raid na ikinasawi ng kanilang mga magulang, naaresto ang vice mayor pati na ang kapatid nitong si Reynaldo Jr. at kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.