2 patay, 4 sugatan sa pamamaril sa nightclub sa Germany
Dalawa ang nasawi habang apat ang sugatan sa pamamaril ng isang lalaki sa mataong nightclub sa Germany.
Ayon sa pulisya, isang 34-taong gulang na Iraqi ang suspek na nasawi rin kalaunan sa ospital matapos siyang mabaril ng mga rumespondeng pulis.
Dead on the spot ang isa sa mga biktima, habang nasugatan naman ang tatlong iba pa.
Paglabas ng suspek sa club, nabaril siya ng pulisya, at isang pulis rin ang nasugatan sa naganap na engkwentro.
Hindi naman isinasama ng mga otoridad ang terorismo sa posibleng motibo ng pag-atake, dahil nagiging malinaw na sa kanila ang mga naging pangyayari sa loob ng club.
Kinumpirma rin ng pulisya na hindi isang asylum seeker ang suspek at matagal-tagal na ring naninirahan sa Germany.
Ayon pa sa isang source mula sa pulisya, posibleng personal na isyu ang ugat ng nasabing pag-atake.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.