Unang araw sa Ber months, sinalubong ng rollback sa presyo ng LPG
Nagpatupad ng P25 na rollback sa kada 11-kilogram cylinder ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang kumpanyang Petron.
Epektibo alas 12:01 ng madaling araw kanina, ipinatupad ng Petron ang P2.25 na bawas sa kada kilo ng LPG na katumbas ng P25 sa kada tangke ng kanilang Gasul at Fiesta Gas.
May big-time rollback din na ipinatupad ang Petron sa presyo ng kanilang auto LPG na P1.25 kada litro.
Ayon sa Petron ang kaltas sa presyo ng LPG ay bunga ng patuloy na pagbaba sa international contract prices ng LPG.
Sa pinakahuling monitoring ng Department of Energy (DOE), nasa pagitan ng P460 hanggang P665 ang halaga ng 11-kg cylinders ng LPG
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.