Ang bagyong ‘Gorio’ na may international name na Nesat ay una nang nagdulot ng mga pag-ulan at sa ilang bahagi ng Luzon dahil pinalakas nito ang southwest monsoon o habagat nitong nakaraang linggo.
Tumama ang bagyo sa eastern county ng Yilan sa Taiwan nitong Sabado na nagdulot rin ng mga pag-ulan at pagkawala ng serbisyo ng kuryente sa ilang lugar.
Nagdulot rin ito ng malalaking alon na umabot sa labinlimang metro ang taas at mga pagbaha sa southern region ng Pingtung.
Sa kasalukuyan, nakatawid na ng lupa ang bagyo ngunit sinundan naman ito agad ng bagyong Haitang na pumasok rin sa Philippine Area of Responsibility at pinangalanang Huaning.
Sa loob ng 50 taon, ito pa lamang ang pagkakataon na nagpalabas ng storm warning ang Taiwan nang sabay para sa dalawang bagyong pumasok sa kanilang teritoryo.