Mga labi ng 7 mangangahoy na dinukot ng ASG sa Basilan, natagpuan na

Photo credit: Wikipedia

Natagpuang patay at naaagnas na ang mga bangkay ng pitong mangangahoy na dinukot ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Matarling, Lantawan, Basilan noong Hulyo 20.

Natagpuan ang mga bangkay sa Upper Campo Barn, Matarling kaninang umaga.

Ayon sa aking source, dinukot ng ASG sa ilalim ni Furuji Indama ang mga lalaki ngunit wala namang ransom ang napabalitang hiningi ng grupo.

Agad na nagtungo ang mga barangay officials sa lugar kung saan natagpuan ang mga bangkay kasama ang militar at pulis.

Agad din daw inilibing ang mga bangkay kung saan ito natagpuan.

Sa tantiya ng mga opisyales base sa state of decomposition ng mga bangkay, Lunes o Martes pinatay ang mga kalalakihan.

Pawang Kristiyano ang mga biktima, ang dalawa mula sa Brgy Mayahay at ang lima naman mula sa Matarling.

Read more...