Pahayag ng US na ibabalik sa Pilipinas ang Balanginga bells, welcome sa Malakanyang

By Mark Makalalad July 30, 2017 - 06:11 PM

 

Welcome sa Malakanyang ang naging pahayag ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na may mga paraan nang ginagawa ang Estados Unidos para maibalik sa Pilipinas ang Balangiga bells.

Sa isang pahayag, sinabi ng Malakanyang na patuloy na makikipag-ugnayan ang pamahalaan sa US para sa pagbabalik ng Balanginga bells na bahagi ng ating national heritage.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na mahalaga sa mga Pilipino ang Balanginga Bells.

Ayon sa pangulo, kinuha ng mga Amerikanong sundalo ang mga kampana bilang war trophy matapos nilang patayin ang lahat ng lalaking residente ng bayan ng Balanggiga kaya tinaguriang Balangiga massacre noong 1901.

Sa ngayon, dalawa sa Balinga bells ay naka-display sa F.E. Warren US Air Force base sa Wyoming, habang ang pangatlo ay nasa Camp red cloud ng US military sa South Korea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.