Pabahay para sa mga bakwit sa Marawi City, ikinakasa na
Dalawang modelong pabahay ang pinagpipilian ngayon ang lokal na pamahalaan para sa mga bakwit sa Marawi City dahil sa ngagaganp na giyera sa pagitan ng teroristang Maute group at tropa ng militar.
Ayon kay Abdurahman Paunte, residente Engineer ng DPWH Region 10, ang isang modelo ay gawa sa pre-fabricated steel habang ang isa ay gawa sa kahoy.
Gagawin ang pabahay sa loob ng 11 hektaryang lupain sa Brgy. Sagonsungan sa Marawi City.
Ang steel houses ay may sukat na 4×7.7m, gawa sa kongkreto ang sahig at yerong bubungan, kayang matapos ang isang unit sa loob ng 3 araw.
Matibay ang modelong bahay at tatagal ng ilang taon habang nagpapatuloy ang rehabilitasyon sa Marawi City.
Ang modelong gawa naman sa lumber o kahoy ay may sukat na 4×6 meters, hindi tulad ng gawa sa steel, magkakahiwalay ang bahay na ito na kayang matapos sa isang linggo.
Magiging common area naman ang palikuran at kusina sa gagawing temporary housing.
Wala pang tiyak na araw kung kailan matatapos ang mga bahay na pansamantalang lilipatan ng mga bakwit, gayunpaman sakaling makapagdesisyon na umano kung anong modelo ang gagamitin, magiging mabilis na ang konstruksyon nito sa pagtutulungan ng Philippine Army, DPWH at lokal na pamahalaan ng Marawi.
Pabahay para sa mga bakwit sa Marawi City, ikinakasa na | @chonayu1 pic.twitter.com/ruhQX6uDOG
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 30, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.